Expedition to the Changing World of BoyPimple

Isa ako sa maraming Tumblr bloggers na hindi nakakasama sa mga MeetUps. Pero hindi naging malaking issue sakin to. Lagi ko lang iniisip na "blogging does not require physical contact, however, you still need to interact."

Isang dahilan siguro na pahirapan ang communication sa Tumblr kasi hindi ito ganap na social networking site gaya ng Facebook at Twitter, ito ay isang blog site. At sa isang blog site, para sa akin, more on blogging, less on communicating.

Isang dahilan din siguro kung bakit nagkaroon ng mga MeetUps dito sa Tumblr ay dahil na rin sa communication problems, team building, at siyempre for socialization purposes. Hindi ito masama. Pero sa mga hindi nakakasama, okay lang yan. Tawa tayo. He he he. With smiley pa :)

Okay lang yan dahil:

  • Wala sa definition ng blogging ang meetup and physical contact.
  • Walang batas na nagmamandate ng isang blogger na makita personally ang kanyang mga kapwa bloggers.
  • Walang mawawala sayo pag hindi ka sumama.
  • Wala naman siguro nagyaya sayo.
  • Malayo ka sa meeting place, maiintindihan ka ng kapwa bloggers.
  • Hindi nila makikita yang anonymous face mo.
  • Ma-a-out of place ka lang kung wala kang kakilala at hindi ka mamamansin dun.
  • Ang pinunta mo naman talaga sa Tumblr ang mag-blog at hindi umattend ng meetup.

Maraming dahilan para sumaya, isa na ang meetup. Pero sabi ko nga, marami pa yan maliban sa meetup.

  1. monde-ma-moan reblogged this from boypimple and added:
    *clap clap clap* Tama to!
  2. boypimple reblogged this from boypimple and added:
    Isa ako sa maraming Tumblr bloggers na hindi nakakasama sa mga MeetUps. Pero hindi naging malaking issue sakin to. Lagi...
  3. omg-adik reblogged this from boypimple
  4. ipickedoutyourstar reblogged this from one-wasted
  5. one-wasted reblogged this from lalaking-bitter-mamon