Expedition to the Changing World of BoyPimple

Eskwelahan

Dito nagsisimula lahat eh. Lahat ng pagkakaibigan, landian, harutan, libugan, at kaartehan. Minsan naisip ano nga ba silbi ng eskwelahan sa mundo? Ano nga ba dapat pag-aralan? At Bakit kailangang mag-aral?

Ano nga bang silbi sa mundo ng paaralan? Siguro para matuto sa mga bagay na hindi kayang maituro ng ating mga magulang; mga bagay na sa loob ng bahay ay hindi mo matututunan; mga ideyang hindi mo basta basta mapupulot sa lansangan; at mga bagay na siyensya ang may kinalaman.

Ano ba dapat pag-aralan? Lahat ng bagay pwedeng pag-aralan, pero pati ba yung mga bagay na hindi naman magagamit sa praktikal na pamumuhay ay kailangan?

Bakit nga ba kailangang mag-aral? Para matuto sa buhay. Pero tinuturo ba ng guro mo kung pano mag-move on? Kung pano hindi masaktan sa pag-ibig? Diba hindi? Pero matututunan mo pa rin yan, dahil sa iyong mga kaibigan, na nakilala mo sa eskwelahan.

  1. aminasworld reblogged this from boypimple
  2. harrehluvlouehfever reblogged this from boypimple
  3. poopace reblogged this from joshuagenota
  4. joshuagenota reblogged this from andraeverlacopia
  5. andraeverlacopia reblogged this from boypimple
  6. thisisnoreality reblogged this from boypimple
  7. boypimple posted this